Saturday, July 26, 2008

mga halamang damo na nakakain






Eto ang ilan sa mga putahe na inihanda ko para sa demo ng mga lokal nating gulay. Saluyot, pancit-pancitan, talbos ng kamoteng kahoy, gabi, kulasi, santol, balimbing at mga bulaklak ng katuray, mallunggay, caballero at gumamela. Marami tayong tinatawag na "indigenous vegetables." Umaabot ito sa higit kumulang limangpung klase, ampalayang ligaw, saluyot, hanggang talinum. Karamihan nito ay napipitas ko lamang sa tabing daan at bakanteng lote. halos libre siya dahil ang pagod at tiyaga mo sa paghanap o "hunting or gathering."

natatandaan ko kapag nababaskyon kami sa Aurora, Isabela. ang daming gulay ang pinapakain sa akin ni Lolo Pedring. Nakasakay pa kami sa kalabaw niya na sobrang laki. ang sarap sumakay sa kalabaw. Ang pakiramdam ko ay para akong nasa ibabaw ng mundo. isang higante sa umano'y maliit na daigdig. Kaya siguro lumaki ako ng ganito. mahilig kumain ng kahit anong ihain sa harap ko. basta sabihin lang nila na nakakain at mahusay sa katawan at isipan ay sigurado titikman ko.

ang aking mga putaheng naituro ay Puso ng saging Burger patties; Saluyot, Kulasi, talbos ng kamoteng kahoy at bunga ng mallunggay fritters at Dill Aioli; Sinantolan at kuhol; Fresh Garden Flower salad w/ Nouc Nam dressing, at Gumamela jam na toppings sa sorbetes o kaya ay palaman sa tinapay.

Madadli lang naman lutuin ang mga ito. isusunod ko ang mga recipe nila..