Sunday, August 24, 2008

recipe: Garden Flower Salad

Garden Flower Salad

kailangan ninyo ng mga sumusunod na sangkap para sa apat:

sa ensalada:
talbos ng pancit pancitan at takip kuhol, tig-isang bungkos
mga bulaklak ng Impatiens, Mallunggay, Caballero o Gumamela
Preskong gulay na sayote, carrots, singkamas, cucumber, sibuyas o kundol, angel hair or jullienne, pino ang pagkakahiwa
Ensalada greens katulad ng pako or fiddle heads, Lollo Rosso, Lettuce Baguio at Arugula
Prutas katulad ng balimbing, kamatis, o rambutan, hiniwa

sa Nouc Nam Dressing:
apat na malalaking kalamansi, piniga
apat na kuytsaritang Patis Labo
isang siling Labuyo, hiniwang pino
isang butil ng bawang, dinikdik
Saw-Tooth Coriander, isang dahon, hiniwa ng pino
isang dahon ng native Oregano, pino ang pagkahiwa
white pepper ground, sa panlasa
Virgin Coconut oil, apat na kutsarita
Virgin Olive oil, apat na kutasara

Ilagay ang sangkap ng dressing sa isang bote. kalugin at tikman.
dagdagan ng patis o kaya ay langis.
Isang tabi muna.

Ilatag ang salad greens sa isang salad plate, ilagay ang ginadgad na gulay at ayusin para maganda sa paningin, ipatong sa isang tabi ang mga talbos, ikalat ang mga kamatis at ibang prutas.
Ayusin ang mga bulaklak sa ibabaw ng ensalada at ito ay iyong palamuti na din,
Kalugin ang Dressing at kutsarahin sa ibabaw ng ensalada.

Mainam na ihanda sa mga bisitang gusto bumaba ang presyon ng dugo at ang glucose level.

Saturday, July 26, 2008

mga halamang damo na nakakain






Eto ang ilan sa mga putahe na inihanda ko para sa demo ng mga lokal nating gulay. Saluyot, pancit-pancitan, talbos ng kamoteng kahoy, gabi, kulasi, santol, balimbing at mga bulaklak ng katuray, mallunggay, caballero at gumamela. Marami tayong tinatawag na "indigenous vegetables." Umaabot ito sa higit kumulang limangpung klase, ampalayang ligaw, saluyot, hanggang talinum. Karamihan nito ay napipitas ko lamang sa tabing daan at bakanteng lote. halos libre siya dahil ang pagod at tiyaga mo sa paghanap o "hunting or gathering."

natatandaan ko kapag nababaskyon kami sa Aurora, Isabela. ang daming gulay ang pinapakain sa akin ni Lolo Pedring. Nakasakay pa kami sa kalabaw niya na sobrang laki. ang sarap sumakay sa kalabaw. Ang pakiramdam ko ay para akong nasa ibabaw ng mundo. isang higante sa umano'y maliit na daigdig. Kaya siguro lumaki ako ng ganito. mahilig kumain ng kahit anong ihain sa harap ko. basta sabihin lang nila na nakakain at mahusay sa katawan at isipan ay sigurado titikman ko.

ang aking mga putaheng naituro ay Puso ng saging Burger patties; Saluyot, Kulasi, talbos ng kamoteng kahoy at bunga ng mallunggay fritters at Dill Aioli; Sinantolan at kuhol; Fresh Garden Flower salad w/ Nouc Nam dressing, at Gumamela jam na toppings sa sorbetes o kaya ay palaman sa tinapay.

Madadli lang naman lutuin ang mga ito. isusunod ko ang mga recipe nila..