Mga Panaginip
may ilang linggo na din akong "sober"..may ilang linggo na din akong hirap makatulog..
may ilang linggo na din akong hirap sa tulog..
may ilang linggo na din akong puro panaginip..
kahit nakainom ako ng alak bago matulog, ganun pa din.. parating may mga panaginip na hindi ko maintindihan..
minsan bangungot na pero hindi naman ako makagising..
nakakpagod.. kulang parati sa tulog.
natatakot ako lumabas ng bahay dahil hindi ko alam kung paano makitungo sa iba..
lalo na sa mga taong nagmamahal sa akin..
pilit ko silang tinataboy at nababalewala dahil sa ako ay walang kwentang tao sa mata nila at ng iba..
sana matapos na itong lahat na ito.. parang bangungot, hindi ka naman makagising sa katotohanan..
tao lang at maraming pagkakamali.. hindi na makabangon.. walang pagasa.. wala ang panaginip ng mabuti at payak na buhay.. kailangan mabuhay sa mabilis at makamundong reyalidad ng buhay..
hanggang kailan kaya? sana maarok ko ang sagot...
No comments:
Post a Comment